Go To BEETLEBUM HOME ..Click here for more Beetlebum Pinoy

Badong

Mahal kong Itay at Inay,

Medyo binagalan kong magsulat ngayon dahil alam kong mabagal kayong magbasa. Nandito na kami sa America at nakatira sa bagong bili na bahay pero hindi ko maibibigay sa inyo ang address at telopono dahil dinala ng dating nakatira ang number para daw hindi na sila magpapalit ng address at phone number sa lilipatan nila.

Maganda ang lugar na ito at hindi naman kalayuan sa San Francisco. Dalawang beses ang umulan sa linggong ito, tatlong araw noong una at apat na araw naman nung pangalawa.

Nakakainis lang ang mga paninda dito katulad na nabili kong shampoo dahil ayaw bumula. Nakasulat kasi sa labas ay FOR DRY HAIR kaya hindi ko binabasa ang buhok ko pag ginagamit ko. Mamaya ay ibabalik ko sa tindahan at magrereklamo ako.

Noong isang araw naman ay hindi ako makapasok sa bahay dahil ayaw bumukas ang padlock. Nakasulat kasi ay YALE, aba eh namalat na ako sa kakasigaway ayaw pa din bumubukas.

Magrereklamo din ako dun sa nagbenta ng bahay, akala nila ay hindi ko alam na SIGAW ang tagalog ng YALE, wise yata ito!

Mayroon nga pala akong nabili dito na magandang jacket at tiyak na magugustuhan ninyo. Ipinadala ko na sa iyo sa DHL. Medyo mahal daw dahil mabigat ang mga butones kaya ang ginawa ko ay tinanggal ko na lang ang mga butones at inilagay ko sa mga bulsa. Ikabit mo na lang pagdating diyan.

Nagpadala na din ako ng tseke para sa mga nasalanta ng bagyo, hindi ko na pinirmahan dahil gusto kong maging anonymous donor.

Ang kapatid ko nga palang si Berting ay may trabaho na dito. Mayroon Siyang 500 na tao na under sa kanya. Nag-gugupit siya ngayon ng damo sa Memorial Park. Okey naman ang kita, above minimum ang sahod.

Yung pinsan kong si Susie nagkita kami sa downtown kagabi. Abot ang pustura at make-up. GRO daw siya ng isang malaking resort-hotel. Pang night shift daw siya at malaki ang kita niya. Buti pa siya sabi niya, pahiga-higa lang pera na. Libre tulog pa sa hotel.

Wala na akong masyadong balita. Susulat na lang ako ng madalas.



Love,

Badong

P.S. Maglalagay sana ako ng pera kaya lang ay naisara ko na ang envelope. Next time na lang ha?
 
.beetlebum pinoy .beetlebum home top of page^
Email This Page To A Friend!
Type In Your Name:
Type In Your E-mail:
Your Friend's E-mail:
Your Message:
Receive a copy of 
this email: